Surf the Philippines. Explore the Pearl of the Orient.
It's more fun in the philippines

Mga Bugtong – 2
  1. Bahay ng salita, imbakan ng diwa.
  2. Bungbong kung liwanag kung gabi ay dagat.
  3. Aso kong si Amulan, nagsuot sa kawayan, hindi natinik munti man.
  4. Ang alila ni Mang Gusting may tainga at ngipin. Sa tuwing pakakainin, kumakagat ng pagkain, ngunit ayaw lulunin.
  5. Aklat ng panahon binabago taun-taon.
  6. Araw-araw bagong buhay, taun-taon namamatay.
  7. Nakasabit sa dingding, araw-araw kung bilangan, isang taon kung tapusin.
  8. Ang paa’y apat hindi makalakad.
  9. Bahay ng Madre, iisa ang haligi.
  10. Bumili ako ng alipin mataas pa sa akin.
  11. Ang ulo’y nalalaga, ang katawa’y pagala-gala.
  12. Ang ngalan ko ay nag-iisa, ang uri ko’y iba-iba, gamit ako ng lahat na, sa daliri nakikita.
  13. Akin munang tinalian bago inihagis sa daan.
  14. Bulak ng mga pangarap, lagi nang kayakap-yakap.

Mga Sagot (Answers)

  1. Aklat
  2. Banig
  3. Gulok o Itak
  4. Gunting
  5. Kalendaryo
  6. Kalendaryo
  7. Kalendaryo
  8. Lamesa
  9. Payong
  10. Sambalilo
  11. Sandok
  12. Singsing
  13. Trumpo
  14. Unan

 

 

 

 

Related Posts:

Related Articles

Share

About Author

admin

(4) Readers Comments

  1. its very nice………….
    we love it so much………….

  2. wowwwwwwwwww…………its very
    nice……….<,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<

  3. na love jod namo na buang me og tinag na anwer

  4. it’s so very nice i like that canyou help me to the assignment :) please
    then i give you 1,000 please

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

You may use these HTML tags and attributes: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>

It's more fun in the philippines