I
Kaninang umaga’y mga mayang bato
Ang nagliliparan sa may kampanaryo;
Nang ikaw’y tumugtog ay naalala kong
May binibinyagan, kayak ay ingay mo.
O, tansong kampana
O, kampanang luma. . .
Sa alingawngaw mo’y napapabalita
Ang lahat ng palad ng tao sa lupa.
II
Mga kalapati ang aking napuna
Na sa iyong tore’ytila nagsasaya ;
Nang rumepike ka’y saka naalalang;
Ang dating irog ko;y ikinakasal na.
O, tansong kampamya,
O, kampanang luma. . .
Sa alingawngaw mo’y napapabalita
Ang lungkot ng aking pagkapariwara.
III
Isang kwagong itim ang aking natanaw
Na sa simboryo mo’y anyong nagbabantay
Nang umagunyas ka, ako ay nalumbay,
Kaya pala gayon,ina ko’y namatay.
O, tansong kampana.
O,kampanang luma.
Sa alingawngaw mo’y napapabalita
Na ako ang lalong ulilang makata.
Lifted from:
- The National Communication Arts Series
- INTEGRATION
- Philippine Literature with Communication and Culture
- Asuncion David Maramba
- p.171-173
Related Posts:
Related Articles
Share
About Author
(0) Readers Comments







